Marcos sa posibleng puwesto sa DILG: ‘Kung iaalok, handa ko itong tanggapin’
Handa si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos kung sakaling ialok sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posisyon ng DILG Secretary.
Si Marcos ang napapabalitang magiging kapalit ng nasibak na Kalihim ng DILG na si Ismael Mike Sueno.
Gayunman, sinabi na ni Pangulong Duterte na malabong mapunta kay Marcos ang puwesto dahil kung tatanggapin nito ang puwesto ay mababalewala ang kanyang inihaing election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Ngunit paliwanag ni Marcos, hindi maaapektuhan ang kanyang election protest kahit maupo siya sa Duterte Cabinet.
Tiniyak rin nito na itutuloy niya ang protesta laban sa Pangalawang Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.