Deadline para sa tax filing, pinalawig hanggang April 17

By Kabie Aenlle April 06, 2017 - 04:00 AM

 

income taxIniurong na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain ng income tax returns o ITR.

Unang inanunsyo ng BIR na hanggang April 15 lamang ang deadline, na papatak ng Sabado de Gloria, pero pinalawig pa nila ito hanggang April 17, araw ng Lunes.

Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, bukas ang mga filing centers hanggang alas-5:00 ng hapon.

Dahil dito, nanawagan si Dulay sa mga taxpayers na huwag nang ipagpaliban pa ang paghahain ng ITR at magbayad na ng buwis sa oras.

Nagdagdag na rin anila sila ng mga filing centers kung saan maari nang gawin ang electronic filing ng pagbabayad ng buwis at pagfa-file ng ITR.

Paalala pa ni Dulay, may multang 20 percent interest per annum at 25 percent surcharge ang mga late na magfa-file.

Target ng BIR ngayong taon na makakolekta ng P1.829 trillion pesos, at positibo naman sila na maaabot nila ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.