136 na Cebu inmates, positibo sa HIV

By Kabie Aenlle April 06, 2017 - 04:03 AM

 

HIV testNaalarma ang mga opisyal ng Cebu city dahil sa mataas na bilang ng mga presong nag-positibo sa human immunodeficiency virus (HIV), na nagdudulot ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).

Base kasi sa pinakahuling blood tests na isinagawa sa mga preso sa Bagong Buhay Rehabilitation Center, 136 na mga inmates ang nag-positibo sa HIV.

Sa nasabing bilang, 88 sa kanila ang positibo na sa HIV bago pa man sila makulong at sumasailalim na sa gamutan, habang 48 naman sa kanila ang nakatakda nang sumailalim sa medical examination.

Gayunman, ayon kay Cebu City Councilor Dave Tumulak, tatlo sa mga nag-positibo sa HIV ay tumangging magpagamot.

Samantala, nasa 23 kaso naman ng tuberculosis ang naitala sa nasabing piitan.

Ani Tumulak, nakababahala na hindi nila alam na marami pala sa mga nakakulong ay mga pasyenteng may sakit na HIV at tuberculosis.

Naniniwala ang mga opisyal na ang 48 inmates na nag-positibo ay na-infect dahil sa paggamit ng kontaminadong syringe o needles para magkagamit ng painkiller na Nubain.

Sa ngayon ay mayroong 4,198 na inmates ang nasabing piitan, kahit na ang ideal capacity lamang nito ay 1,600.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.