Aftershocks na naitala pagkatapos ng lindol sa Batangas, pumalo ng mahigit 500

By Kabie Aenlle April 06, 2017 - 04:19 AM

Contributed photo Simbahan ng Taal, BatangasNakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 500 aftershocks pagkatapos ng magnitude 5.5 na lindol na tumama sa Batangas, Martes ng gabi.

Ayon kay PHIVOLCS research assistant Roschelle Ablan, pagdating ng alas-3:00 ng hapon ng Miyerkules ay nakapagtala na sila ng 503 na aftershocks.

Gayunman, sa nasabing bilang, 63 lamang ang na-plot nila, habang siyam lang sa mga ito ang naramdaman.

Ang pinakamalakas na naramdamang aftershock ay ay ang magnitude 4.9 na naitala 12:49 ng hatinggabi ng Miyerkules, kung saan naranasan ang intensity 3 sa Tagaytay City, Quezon City at Pasig City.

Sa lakas ng pagyanig na tumama sa Tingloy, Batangas noong 8:58 ng gabi ng Biyernes, naramdaman ito hindi lang sa nasabing lalawigan kundi pati sa mga kalapit na probinsya, at hanggang sa Metro Manila.

Naitala ang intensity 6 sa Batangas City, intensity 5 sa Malvar at Calatagan, at intensity 4 sa Cuenca, Makati city, Sta. Ana, Manila, Valenzuela city, Obando, Bulacan; Silang, Noveleta, Imus, Indang at Tagaytay city sa Cavite; at sa Calamba, Laguna.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.