Gobyerno at NDFP, nagkasundo sa ‘interim ceasefire’

By Mariel Cruz, Rod Lagusad April 06, 2017 - 04:24 AM

 

Mula sa peace.gov.ph

Nagkasundo ang gobyerno at National Democratic Front (NDFP) sa pagkakaroon ng interim joint ceasefire sa kasagsagan ng ikaapat na round ng peace talks sa The Netherlands.

Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), nilagdaan ng dalawang panig ang interim ceasefire kaninang alas nueve ng gabi oras sa Pilipinas.

Ayon sa OPAPP, mananatiling ‘interim’ ang ceasefire hanggang wala pang permanenting tigil-putukan na naitataguyod sa ilalim ng Comprehensive Agreement on End of Hostilities and Disposition of Forces.

Magiging epektibo ang naturang interim ceasefire sa oras na maaprubahan na ang mga guidelines at ground rules ukol dito.

Sakop ng guidelines ay ang mga lugar kung saan naroon ang presensya ng mga armadong grupo at ang pagbuo ng mga buffer zones, ang pagbabawal sa mga hostile at provocative acts tulad ng pangongolekta ng revolutionary taxes at ang pagsasagaw ng joint socio-economic projects.

Kasama din sa naturang kasunduan ay ang pagbuo ng Joint Ceasefire Committee at ang pagkakaroon ng third party sa para sa pag-monitor ng ceasfire at iba pang mekanismo sa pagpapatupad nito kabilang ang paghawak sa mga reklamo at mga umanoy paglabag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.