Panahon ng tag-init at tagtuyot opisyal nang ideneklara ng PAGASA

By Ricky Brozas April 05, 2017 - 02:20 PM

summerHumina na ang northwest moonson na nararanasan sa northern at central Luzon. Dahil dito ay ideneklara na nang pag-asa ang pagpasok ng dry season o panahon ng tag-init.

Batay sa latest weather map analysis at numerical model outputs makikita ang panunumbalik ng north pacific high pressure area. Ang pagbabago na ito sa pressure system at pagbabago ng ihip ng hangin ay indikasyon na nawala na ang hanging amihan.

Ayon sa Pagasa, asahan na sa mga susunod na araw ang mainit na lagay at tagtuyot na panahon dahil sa epekto ng high pressure area at easterlies.

Gayunman, ayon sa Pagasa may ilang lugar pa rin sa bansa lalo na sa silangan ng Luzon at Visayas ang makararanas ng manaka-naka pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

May pag-ulan ding mararansan sa katimugang bahagi ng bansa dulot naman ng inter tropical convergence zone o ITCZ.

TAGS: amihan, Pagasa, Summer, Tag-init, Tag-tuyot, amihan, Pagasa, Summer, Tag-init, Tag-tuyot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.