Mga pabahay na inokupa ng mga miyembro ng Kadamay, idadaan pa sa proseso ng NHA
Dadaan pa rin sa proseso ng National Housing Authority (NHA) ang mga myembro ng Kadamay bago nila tuluyang maangkin ang mga pabahay sa Pandi Bulacan na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon Kay Ms. Elsie Trinidad, spokesman ng NHA, may mga papeles pa ring aayusin sa ahensya ang mga myembro ng Kadamay.
Hindi anya ganun kadali ang pagkakaroon ng bahay sa ilalim ng gobyerno lalo pa at wala namang nakalaang housing units sa mga biglang umukupa sa lalawigan ng Bulacan.
Sinabi ni Trinidad, kung ang isang unit ay mayroon ng benepisyaryo ay hindi ito maibibigay sa mga myembro dahil tanging ang mga bakanteng unit lamang ang maaaring maibigay sa kanila.
Hahanapan din umano ng mga kaukulang dokumento ang mga ito na magpapatunay na kaya nilang hulugan ang buwanang amortization.
Kakausapin din umano ng NHA ang AFP at PNP upang alamin kung desidido pa rin ang kanilang hanay na ituloy ang pagkuha nila ng mga pabahay ng gobyerno sa Pandi Bulacan.
Kahapon ay inanunsyo ng Pangulo sa pagharap niya sa anniversary ng Philippine Army na ibibigay na lamang niya sa mga myembro ng Kadamay ang pinasok nilang housing units.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.