Suspek sa pambobomba sa St. Petersburg, natukoy na

By Kabie Aenlle April 05, 2017 - 09:15 AM

st-petersburg-russia bombingTukoy na ng mga otoridad sa Russia ang suicide bomber na nagpasabog sa isang bahagi ng St. Petersburg Metro System na ikinasawi ng hindi bababa sa labing-isang katao at ikinasugat ng limampung iba pa.

Base sa mga impormasyon ng opisyal ng Kyrgyztan na kinumpirma din ng Russian officials, ang suspek ay si Akbarzhon Jalilov na bagaman ipinanganak sa Osh city sa Russia, ay isang Kyrgyz.

Ayon sa mga otoridad, si Jalilov, 21 taong gulang na residente ng St. Petersburg na may interes sa Islam, pop music at martial arts, ngunit walang direktang kaugnayan sa mga militante.

Base rin sa imbestigasyon, ilang bahagi ng katawan suspek ang namataan kasama ng mga nasawing biktima, na nangangahulugan na isa itong suicide bomber.

Siya rin ang nakitang nag-iwan ng bag na naglalaman ng pampasabog sa Ploschad Vosstaniya station.

Sa ngayon ay wala pang grupong umaako ng nasabing pag-atake.

TAGS: Akbarzhon Jalilov, Kyrgyz, Ploschad Vosstaniya station, Russia, st. petersburg, suicide bomber, Akbarzhon Jalilov, Kyrgyz, Ploschad Vosstaniya station, Russia, st. petersburg, suicide bomber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.