171 karagdagang immigration officers, ide-deploy sa mga airport sa Holy Week

By Kabie Aenlle April 05, 2017 - 04:26 AM

 

Inquirer file photo

Magtatalaga ang Bureau of Immigration ng mga karagdagang empleyado sa mga paliparan upang matugunan ang kakulangan ng staff dahil sa mass resignations at leaves ng mga immigration officers.

Ayon sa tagapagsalita ng kawanihan na si Antonette Mangrobang, ipinagutos na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang pagde-deploy ng 171 na immigration officers sa kasagsagan ng Holy Week.

Ito ang magiging contingency plan ng kawanihan para magkaroon ng sapat na immigration officers na sasalubong sa mga pasaherong dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang international airports sa bansa sa susunod na linggo.

Sa nasabing 171 immigration officers, 150 sa kanila ang itatalaga sa NAIA, at ang natitirang iba pa ay ikakalat naman sa mga international airports sa Cebu, Davao at Iloilo.

Ayon pa kay Mangrobang, ang nasabing augmentation force ay bubuuin ng mga division, section at unit chiefs, mga immigration officers sa kanilang main office sa Intramuros at mga subports, pati na ng iba pa nilang empleyado.

Lahat aniya ng mga available na empleyado tulad ng mga administrative staff, supervisors, at intelligence officers ay inatasang mag-render ng counter duty, na dagdag pa sa kanilang normal na trabaho.

Aniya pa, maging siya ay magkakaroon ng counter duty sa paliparan sa Huwebes Santo.

Patuloy rin aniyang umaapela ang Immigration Officers Association of the Philippines sa kanilang mga miyembro na pumasok sa trabaho.

Tiniyak ni Mangrobang na ginagawa nila ang lahat upang maibsan ang haba ng pilang idinudulot ngayon ng kakulangan ng immigration officers sa NAIA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.