CPP suportado ang peace talks, mga nagtatangkang idiskaril ang negosasyon, binalaan

By Jay Dones April 05, 2017 - 04:25 AM

 

AFP photo

Nanawagan ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang political wing na National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at maging sa gobyerno na madaliin na ang negosasyon upang makamit na ang kapayapaan sa pagitan ng dalawang panig.

Naniniwala ang CPP na ito na ang tamang panahon upang matapos na ang halos 50 taon ng rebelyon laban sa gobyerno.

Gayunman, kasabay ng panawagan, kinastigo ng CPP ang mga grupong nais na sirain ang nagaganap na peace talks.

Gayundin, nagbanta rin si CPP founder Jose Maria Sison na hindi sila pabor sa mga itinakdang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit nito, hindi maaring yumukod ang kanilang panig sa mga ‘precondition’ na posibleng maglagay sa kanila sa alanganing posisyon habang isinasagawa ang pag-uusap.

Matatandaang noong Linggo, naglatag ng apat na kondisyon ang Pangulo bago ang pagsisimula ng ikaapat na round ng peace talks sa the Netherlands.

Kinastigo rin ng CPP si Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año at National Secrutiy Adviser Hermogenes Espeon na anila’y patuloy na nagtatangkang idiskaril ang usapang pangkapayapaan .

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.