Bongbong Marcos, malabong pumalit kay Sueno sa DILG

By Kabie Aenlle April 05, 2017 - 04:26 AM

 

Bongbong (1)Malabo pang maitalaga si dating Sen. Bongbong Marcos bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya pa maitatalaga sa nasabing pwesto si Marcos dahil mukhang wala itong balak bitiwan ang electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.

Oras kasi na tanggapin ni Marcos ang posisyon, kakailanganin niyang bitiwan ang electoral protest.

Sa ngayon, sinabi ng pangulo na naghahanap pa siya ng kung sino ang maaring ipalit sa sinibak niyang kalihim ng DILG na si Ismael “Mike” Sueno.

Matatandaang ilang beses nang lumutang noon ang usap-usapang ipapalit si Marcos kay Sueno oras na ito ay masibak sa pwesto.

Ilang mambabatas rin tulad ni Sen. Antonio Trillanes IV ang nagduda sa pagsibak kay Sueno, na posible umanong diskarte lang para mabigyan ng posisyon sa Gabinete si Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.