Kurapsyon sa Duterte administration mas lumala ayon kay Trillanes
Ibinunyag ni Sen. Antonio Trillanes IV na may mga appointed officials si Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa katiwalian.
Ito aniya ay base sa ginagawa nilang sariling monitoring.
Paliwanag nito na noong administrasyong-Arroyo, ang pera na nakukurakot ay umakayat pa hanggang sa Malacañang pero nabawasan naman ang pagnanakaw sa pondo ng bayan noong Aquino administration.
Pero aminado naman si Trillanes na hindi umaabot kay Duterte ang nakukurakot na pera pero mas malala naman ang ilan sa kanyang mga opisyal dahil sinosolo nila ang pera.
Bagaman tumanggi si Trillanes na magbigay ng detalye sa ginagawa nilang corruption monitoring ay nagpahiwatig ito na may gagawin siyang hakbang sa hinaharap gamit ang makukuha nilang mga ebidensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.