HDO, inilabas laban kay ex-Ilocos Sur Rep. Baterina sa kasong graft

By Kabie Aenlle April 04, 2017 - 04:03 AM

 

Sandiganbayan buildingNaglabas ang Sandiganbayan 2nd division ng Hold Departure Order o HDO laban kay dating Ilocos Sur Rep Salacnib Baterina kaugnay ng kasong graft.

Nag-ugat ito sa sinasabing maanomalyang paggamit ng kanyang Priority Development Assistance Fund o P-DAF noong 2007.

Inaatasan ni 2nd division Presiding Justice Oscar Herera ang Bureau Of Immigration na ilagay sa HDO list si Baterina at labing anim na kapwa akusado sa kaso.

Nahaharap si Baterina sa 3-counts ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, 3-counts ng malversation at 1-count ng direct bribery.

Maliban kay Baterina, ipinalalagay din sa HDO list sina Janet Lim-Napoles, Zenaida Ducut, Dennis Cunanan, Mario Relampagos at 12-iba pa.

Batay sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, hindi napakinabangan ang inilagak na 35 million pesos na Pork Barrel ni Baterina sa mga pekeng NGOs ni Napoles para sa mga livelihood at farm project.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.