Estudyante, nalunod sa beach sa Dagupan City

By Kabie Aenlle April 04, 2017 - 04:31 AM

 

dagupanLunes na ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng isang 16-anyos na estudyanteng taga-Bulacan na nalunod sa Tondaligan beach sa Dagupan City sa Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Paul Carpio, residente ng Barangay Pulong Yantok sa Angat, Bulacan.

Kasama ni Carpio ang dalawa niyang pinsan na naliligo sa nasabing public beach, nang bigla silang salubungin ng malaking alon bago mag-tanghali nang Linggo.

Nabitiw si Carpio sa salbabida na ginagamit niyang pampalutang, at natangay ng malakas na agos ng tubig pabalik ng Lingayen Gulf.

Ayon sa pulisya, sinubukan pa ng kaniyang mga pinsan na sagipin si Carpio ngunit nabigo lang din ang mga ito.

Sinuyod ng mga life guards ng pamahalaan ang lugar kung saan huling nakita si Carpio ngunit hindi rin nila ito mahanap.

Nakita na lamang ang bangkay ni Carpio na palutang-lutang sa malapit sa isang beach front subdivision dakong alas-6:00 ng umaga ng Lunes.

Ito ang kauna-unahang insidente ng pagkalunod sa lugar ngayong taon ayon sa pulisya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.