Flashflood at landslide warning, itinaas ng NDRRMC sa 33 probinsiya
Nagpalabas ng flood at landslide warning ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa 33 probinsya dahil sa ulan na idinudulot ng bagyong ‘Ineng’.
Kabilang sa mga lalawigan ng binibigyang-babala ng NDRRMC sa posibilidad ng landslide at baha ay ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Negros Occidental, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Cagayan, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Zamboanga del Sur, Sorsogon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Misamis Occidental, Compostela Valley, Davao Oriental, Basilan at Lanao Del Sur.
Sakop ng flood at landslide warning ang 231 bayan at lungsod sa naturang mga lalawigan.
Paliwanag ng NDRRMC, posibleng magbago pa at madagdagan ang naturang listahan depende sa magiging galaw ng bagyong ‘Ineng’.
Sa kasalukuyan, inilagay na sa red alert ang puwersa ng NDRRMC at Office of Civil Defense sa Ilocos, Cagayan at Cordillera at maging ang NDRRMC Operations Center bilang paghahanda sa magiging epekto ng bagyo./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.