National security, posibleng maapektuhan sa pagbibitiw ng mga Immigration personnel-Aguirre

By Jay Dones April 04, 2017 - 04:40 AM

 

IMMIGRATION COUNTER NAIAProblemado ang Department of Justice (DOJ) sa posibleng epekto ng pagbibitiw sa puwesto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa iba’t-ibang paliparan sa bansa.

Ito’y dahil sa posibleng malagay sa alanganin ang national security ng dahil sa kakulangan ng mga immigration personnel na magbabantay sa mga entry points papasok ng Pilipnas.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, 32 tauhan na ng BI ang nagbitiw sa puwesto samantalang nasa 50 pa ang naghain ng anim na buwang leave of absence sa trabaho.

Sa record ng BI, umaabot na sa 3,000 personnel ng Bureau of Immigration ang nagka-leave simula pa noong Feb. 17.

Paliwanag ni Aguirre, nagdesisyon ang mga BI officer na magbitiw sa tungkulin at magleave, dahil sa pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte na bayaran ang overtime pay ng mga mga ito.

Tinawagan na rin siya aniya ni Transportation Secretary Arthur Tugade at isiniwalat na apektado na rin ang operasyon sa mga paliparan dahil sa kakapusan ng mga Immigration officers.

Bago alisin ang OT, umaabot sa P48,000 ang overtime pay ng mga BI officers.

Gayunman, nang alisin ang OT, nasa P14,000 lamang ang suweldo ng mga ito.

Dahil dito, nanawagan si Aguirre kay Pangulong Duterte na irekonsiderang bayaran ang OT pay ng mga BI personnel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.