Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan ang alegasyon nito na may anomalya sa paggasta niya ng kanyang Disbursement Acceleration Program o DAP.
Giit ni Trillanes, lahat ng pinagkagastusan ng kanyang DAP ay makikita sa kanyang website.
Sa kanyang pahayag hinamon ng senador si Ginoong Duterte ilabas na nito ang lahat kasama na ang P2 Billion bank deposits nito na ayon kay Trillanes ay ninakaw nito diumano sa kaban ng bayan.
Nauna nang nagbanta ang pangulo na ibubunyag niya sina dating Pangulong Noynoy Aquino at mga kaalyado nito kasama na si Trillanes sa paggamit ng DAP sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ilegal ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.