‘BFP ang sisihin at hindi ang LGU’ – Gatchalian

June 02, 2015 - 04:45 AM

11222273_813243272093784_808840608043667595_o
File Photo

Nanindigan si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa kanyang posisyon na walang pagkakamali ang Local Government Units (LGU) sa nangyaring sunog sa pabrika ng Kentex.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Mayor Gatchalian na sumasandig sila sa tatlong national memorandum circular mula sa Interior and Local Government, Department of Trade and Industry at sa Bureau of Fire Protection.

Sa ilalim aniya ng nasabing memo circular, nagtayo ang lokal na pamahalaan ng “one-stop-shop” na tatanggap ng bayad para sa kumpanyang kukuha ng sanitation, business at fire permit.

Pumalag din si Gatchalian sa pagbunton sa kanila ng sisi sa nasunog na pabrika na ikinasawi ng pitumput dalawang trabahador nito.

“All these there circulars served as legal basis ng Local Government in coming up a one stop shop business licensing procedures, sumunod lang ho kami sa kanila eh, sila ho ang naglabas ng mga memo circulars na ito hindi naman ho para hindi namin sundin kundi para respetuhin naming,” sinabi ni Gatchalian.

Sa press conference sa malakanyang na pinangunahan mismo ni Pangulong Aquino kinuwestyon nito kung paano nabigyan ng business permit ang Kentex sa kabila ng kawalan ng fire safety inspection certificate.

Binigyang diin pa ni Gatchalian na walang sariling mga fire inspector ang mga local government units dahil wala ito sa kanilang mandato.

“Sa mandato ng BFP ho iyan niliagay, wala ho sa plantilla namin iyan, wala kaming expertise to determine if this establishment is compliant with the fire safety code, in fact the memo circulars also pointed to the responsibility of who checks and they said it’s the BFP not the Local Government, if you’re going to make us fully accountable for this type of cases then give us the responsibility to begin with, but they never give us the responsibility eh,” dagdag pa ni Gatchalian.

Ayaw naman bahiran ng kulay pulitika ni Gatchalian ang mistulang pagsisi sa kanila ni PNoy sa naganap na sunog.

Si Gatchalian ay miyembro ng National People’s Coalition (NPC) na ka-alyado ng partido ni Vice President Jejomar Binay na United Nationalist Alliance o UNA.

Kinuwestyon din ni mayor gatchalian ang kautusan ni aquino na pag-inspeksyon sa tatlong daang libong pabrika sa metro manila. / Jimmy Tamayo

TAGS: BFP, Gatchalian, Kentex, BFP, Gatchalian, Kentex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.