Mga oil companies magpapatupad ng price increase bukas

By Alvin Barcelona April 03, 2017 - 03:58 PM

gas1Sinalubong ng mga kumpanya ng langis ang Abril ng oil price hike.

Ito ay matapos na mag-anunsyo ang mga oil companies ng P0.35 na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel at P0.30 naman na dagdag sa kada litro ng kerosene o gaas umpisa bukas ng umaga April 4, 2017.

Unang magtataas ang Flying V 12:01 bukas na susundan ng Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum at Seaoil 6:00 ng umaga bukas.

Inaasahan namang mag aanunsyo din ng kaparehong pagtataas ang iba pang kumpanya ng langis ngayong araw.

Sa mga nakalipas na taon ay karaniwang tumataas ang presyo ng produktong petrolyo kapag panahon ng tag-init dahil sa mataas na demand ng petroleum products sa merkado.

Noong nakalipas na linggo ay sinabi ng Department of Energy na inaasahan na nila ang oil price increase sa mga susunod na araw.

TAGS: diesel, DOE, gasoline, oil price hike, diesel, DOE, gasoline, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.