Pagbibigay ng pardon ni Duterte sa 19 na pulis na sangkot sa Espinosa killing, hindi mapipigilan ng PNP
Ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na hindi mapipigilan ng pulisya si Pangulong Rodrigo Duterte kung gagawaran niya ng pardon ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Aniya, nasa kamay naman ng Pangulo ang pagpapasya ng paggawad ng pardon sa mga pinaniniwalaan niyang ginawa ang kanilang trabaho.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na susuportahan niya ang desisyon ng PNP Internal Affairs Service na dumaan sa due process laban kay Criminal and Investigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8) director Superintendent Marvin Marcos, at 18 pang pulis.
Dagdag ng Hepe, tungkulin nilang usigin ang mga pagkakamali.
Noong Biyernes, sinabi ni Duterte ba kung mahatulan man ng guilty sina Marcos at ang 18 pang pulis, bibigyan niya ng pardon at ibabalik sa serbisyo at ipo-promote pa mga ito dahil sinunod lamang nila ang utos ng pangulo na patayin si Espinosa, na ama ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.