Derrick Rose, hindi na makakasama sa huling mga laban ng New York Knicks dahil sa knee injury
Hindi na makakapaglaro si New York Knicks star Derrick Rose sa natitirang laban ng koponan sa kasalukuyang season ng NBA.
Ito ang kinumpirma ng New York Knicks at ipinaliwanag na bunsod ito ng panibagong knee injury ni Rose.
Sa tweet ng Knicks, nakasaad na hindi na makakasali si Rose sa natitirang limang game ng koponan.
Kasabay pa nito ay ipinakita ang x-ray ng kaliwang tuhod ni Rose kung saan mayroon siyang ‘torn meniscus’ bunsod ng hyper-flexing ng knee joint.
Ang ganitong uri ng injury ay kinakailangan isailalim sa arthroscopy at tumatagal ang recovery time ng anim hanggang walong linggo.
Simula pa noong 2012, ilang beses nang nakaranas ng knee injuries si Rose dahilan para matigil din ito sa paglalaro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.