Concert ng Coldplay sa bansa, pinakamalaking live performance ngayong taon
Sa pagdating ng frontman ng Coldplay na si Chris Martin sa bansa, agad itong nakipagpulong sa promoter ng kanilang concert na MMI Live.
Sa kanyang Facebook, ibinahagi ni Rhiza Pascua, CEO ng MMI Live, ang larawan nilang dalawa ni Chris.
Hindi na idinetalye kung saan nagpulong ang dalawa pero mismong si Pascua ang nagkumpirma sa Inquirer na nagkausap sila ng British band frontman.
Ang maagang pagdating ni Chris sa bansa, na dalawang araw bago ang concert, ay hindi pangkaraniwan para sa isang superstar act tulad ng Coldplay.
Ngayon ay umabot na sa 35,000 na tickets ang nabenta at itinuturing na ito na ang pinakamalaking live concert na magaganap sa bansa ngayong taon.
Gaganapin ang concert ng Coldplay sa Mall of Asia concert grounds sa Pasay City bukas, April 4.
Ang concert ay bahagi ng “A Head Full of Dreams” world tour ng banda.
Samantala, naglabas ang MMI Live ng listahan ng mga gamit na ipagbabawal sa concert bilang bahagi ng security measures.
Kabilang sa listahan ng mga bawal ay e-cigarettes, medication o prescription drugs, branded o unbranded na mga gamot, mga bote at aerosols, lighter, kandila, at mga paputok.
Bawal din sa loob ng concert grounds ang hard drive at chargers ng mga cellphone, pero ang power banks ay palulusutin na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.