Pres. Duterte, ayaw nang makisalo sa ‘Palit-Bise’ isyu
Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na magkomento hinggil sa “Palit-Bise” rally sa Quirino Granstand.
Nagtipun-tipon ang mga taga-suporta ni Duterte sa Luneta kahapon, Linggo (April 02) para ipanawagan ang pagpapatalsik o resignation ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Duterte, ayaw niyang magkomento dahil labas na umano siya sa politika.
Dagdag ng presidente, hindi na raw siya naghahangad ng popularidad at lalong hindi umano niya kailangan ito.
Nagalit ang mga supporter ni Duterte kay Robredo dahil sa video message nito sa United Nations ukol sa palit-ulo sa kasagsagan ng war against drugs ng pamahalaan.
Pero sa naunang pahayag ni Duterte, pinahihinto niya ang anumang nakaumang na impeachment laban sa bise presidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.