2 Pinoy, nailigtas sa lumubog na South Korean freighter sa Uruguay

By Mariel Cruz April 02, 2017 - 11:16 AM

URUGUAYNailigtas ang dalawang Pinoy na mandaragat mula sa lumubog na South Korean freighter sa Atlantic Ocean sa bahagi ng Uruguay.

Ayon sa Uruguayan navy, aabot sa dalawampu’t anim na crew ang sakay ng barko kabilang na ang dalawang Pinoy.

Sinabi ni Navy spokesman Gaston Jaunsolo, narekober din ng apat na merchant ships sa lugar ang tatlong balsa.

Labing anim na Pinoy at walong Koreans ang sakay na crew ng barkong Stella Daisy, isang ‘Very Large Ore Carrier’ (VLOC) na aabot sa mahigit 260,000 tons ang kapasidad.

Mula sa isang port sa Brazil ang naturang barko pero hindi malinaw kung saan ang destinasyon nito.

Nagpadala na ang Brazil ang isang aircraft para tumulong sa search and rescue operations.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng dalawang Pinoy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.