Ilang pulis at mga dating adik, kabilang sa “Washing of the Feet” na pangungunahan ni Cardinal Tagle

By Isa Avendaño-Umali April 02, 2017 - 09:26 AM

 

tagle-620x403Huhugasan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga paa ng labing dalawang tao, kabilang na ang ilang dating adik sa ilegal na droga at ilang pulis sa Huwebes Santo (April 13).

Gaganapin ang ‘Washing of the Feet” dakong alas-singko ng hapon ng Holy Thursday, sa Manila Cathedral, lntramuros.

Bago ito ay pangungunahan muna ni Cardinal Tagle ang isang misa.

Bukod naman sa ilang dating drug addicts at pulis, kabilang pa sa huhugasan ng mga paa ay drug surrenderers, ilang opisyal ng pamahalaan, volunteers at ilang kaanak ng mga biktima ng extra judicial killings o EJKs.

Tuwing Huwebes Santo, kadalasang hinuhugasan ng mga pari ang mga paa ng labing dalawang tao o paggunita sa labing dalawang apostoles ni Hesu Kristo.

Nauna nang kinondena ni Cardinal Tagle at iba pang mga opisyal ng simbahan ang resulta ng war against drugs ng administrasyong Duterte, na sinasabing kumitil sa buhay ng aabot sa pitong libong indibidwal.

Dahil dito,hayagan ang pagpapasaring ni Pangulong Rodrido Duterte sa mga taga-simbahan.

 

TAGS: Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, War against drugs, Washing of the Feet, Manila Archbishop Luis Antonio Tagle, War against drugs, Washing of the Feet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.