Motorcycle rider, patay matapos pagbabarilin sa Commonwealth Avenue Quezon City
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City.
Kinilala ang biktimang si Alberto Abella Victo, 41 anyos, taga-Brgy. Bagong Silangan at nagta-trabaho bilang Barangay Medic Driver.
Kwento ng isang nakasaksi, na si Enrico Arellano, BPSO ng Brgy. New Era, roving siya sa kabilang kalye nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril.
Nakita niya umano ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo na 15 minutong nakahinto lang sa gilid ng kalsada.
Inabangan umano ng mga ito ang pagdaan ng biktima saka pinagbabaril habang umaandar ang motor nito.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima.
Nakita naman sa crime scene ang 12 basyo ng caliber .45.
Wala namang nakitang droga o baril sa kamay ng biktima ang mga miyembro ng SOCO.
Inaalam pa ngayon ng Quezon City Police District ang posibleng motibo sa likod ng nasabing pamamaril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.