NBI, nasabat ang aabot sa P100M halaga ng shabu at mga baril sa Tondo

By Rod Lagusad April 02, 2017 - 01:56 AM

tondoHindi bababa sa 100 milyong pisong halaga ng shabu at ilang baril ang nasabat mula sa dalawang hinihinalang drug couriers sa Tondo, Maynila

Inaresto ang dalawang hindi pa pinapangalanang mga suspek ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa Zaragosa at Moriones street sa Tondo.

Ayon sa NBI, ang naturang mga suspek ay miyembro ng drug syndicate operation sa Metro Manila.

Narekober ng NBI ang nasa 24 pakete ng shabu mula sa sasakyan ng mga suspek at ang 20 ibat ibang mga baril kabilang ang M-16 rifles, .45 at .38 pistols.

Patuloy na inimbestigahan ng mga otoridad para matukoy ang kinaroroonan ng iba pang miyembro ng nasabing grupo dahil sinasabing ide-deliver sana ang mga nasabat na droga at shabu sa Barangay Datu Esmael sa Dasmariñas, Cavite.

TAGS: drugs, manila, National Bureau of Investigation, NBI, shabu, Tondo, drugs, manila, National Bureau of Investigation, NBI, shabu, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.