NPA, pinabulaanan ang ulat na 10 sa mga kasamahan nila ang namatay sa engkwentro sa Quezon

By Rohanisa Abbas April 02, 2017 - 01:59 AM

CPP-NPAPinabulaanan ng New People’s Army (NPA) ang ulat ng militar na 10 rebelde ang namatay sa engkwentro sa General Nakar sa lalawigan ng Quezon noong Huwebes.

Iginiit ni Armando ‘Ka Mando’ Jacinto, tagapagsalita ng NPA Rosario Lodronio Command sa Sierra Madre, walang namatay o nasugatan sa panig ng mga rebeldeng komunista.

Maliban dito, sinabi rin ni Jacinto na limang sundalo ang nasawi at isa ang lubhang sugatan. Taliwas ito sa ulat ng militar na dalawang sundalo ang namatay sa bakbakan, at dalawa pa ang sugatan.

Ipinahayag naman ni Lt. Colonel Randolph Cabangbang, komander ng 80th Infantry Battalion ng Army, na hindi idinedeklara ng NPA na patay ang kanilang myembro maliban na lamang kapag narekober na ang bangkay nito.

Nanindigan din si Major General Rhoderick Parayno, komander ng 2nd Infantry Division, ang kumpirmadong ulat ng militae na 10 ang namatay sa panig ng NPA.

Noong Huwebes, tinatayang 30 rebelde ang nakasagupa ng militar sa Barangay Lamutan.

TAGS: General Nakar, new people's army, NPA, Quezon, General Nakar, new people's army, NPA, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.