Mga pulis na nakapatay kay Mayor Espinosa ipo-promote ni Duterte

By Den Macaranas April 01, 2017 - 07:52 PM

Marvin Marcos
Inquirer file photo

Bukod sa pardon at pwede pang ma-promote ang mga pulis na nasa likod ng pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Reynaldo Espinosa Sr.

Sa kanyang talumpati sa “Digong’s Day for Women” sa Malacañang ay sinabi ng pangulo nab aka naman sinunod lang ng mga pulis ang kanyang utos na linisin ang bansa sa mga sindikato ng droga.

Magugunitang nahaharap sa kasong murder ang mga dating opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos at labingwalo sa kanyang mga tauhan.

Ang grupo nila ang nakapatay kay Espinosa habang nakakulang sa Baybay sub-Provincial Jail sa Leyte noong nakalipas na Novermber 5.

Sinabi ng pangulo na hindi niya pwedeng iwan ang kanyang mga pulis na ayon sa kanya ay tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

Gayunman ay hindi umano niya pakikialaman ang kasong murder na isinampa sa mga ito ng Department of Justtice sa pangunguna mismo ni Sec. Vitaliano Aguirre.

Kung nakakapigabigay umano siya ng pardon sa ilang mga kriminal na nahatulan na bakit naman hindi niya kayang gawin sa mga pulis na naglilinis lamang ng mga masasamang tao sa lipunan.

Nauna nang binatikos ang pamahalaang Duterte dahil sa mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

TAGS: CIDG, drugs, duterte, espinosa, leyte, Marvin Marcos, CIDG, drugs, duterte, espinosa, leyte, Marvin Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.