Pinapurihan ng Malacañang ang Armed Forces of the Philippines-Task Force Sulu dahil sa matagumpay na operasyon nito laban sa bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma, ang nasabing operasyon ang naging dahilan para makatakas ang mga bihag nitong mga miyembro ng Philippine Coast Guard na sina Seaman First Class Rodlyn Pagaling at Seaman Second Class Gringo Villaruz.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, ang dalawa ay dinukot noong Mayo 4, dakong alas 2:00 ng madaling-araw sa Barangay Hall malapit sa port area ng Barangay Aliguay sa Dapitan City.
Naging posible aniya na matukoy at masalakay ang kuta ng Abu Sayyaf sa tulong ng kooperasyon ng mamamayan doon.
Ayon naman sa AFP, on-going ngayon ang military operation para mailigtas iba pang bihag ng bandidong grupo./ Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.