“Catcalling,” depende lang sa babaeng makakatanggap nito ayon sa Palasyo
Nanawagan ang Malacañang sa mga kababaihan na maging mas mapagpatawad kaugnay ng mga “catcalling” at mga sexist na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kababaihan.
Sa “Digong’s Day for Women” event sa Malacañang, sinabi ni Assistant Communications Sec. Marie Banaag na dapat alalahanin ng mga tao na ang kanilang inihalal ay isang pangulo at hindi isang pari o santo.
Aniya pa, ang catcalling ay relative, o nakadepende sa taong makakatanggap nito kung siya ay masasaktan o hindi.
Hindi naman aniya nila sinasabi na lahat ng sasabihin ng isang tao ay perpekto o tama.
Dahil dito, umaapela sila ng mas malawak na kapatawaran para sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.