Engkwentro sa Quezon, hindi makakaapekto sa peace talks ayon kay Bello
Hindi makakaapekto sa muling pagbabalik ng usapang pangkapayapaan ang naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at mga komunistang rebelde sa Gen. Nakar, Quezon kahapon ng Huwebes ayon kay Chief Peace Negotiator Silvestre Bello III.
Nagresulta ang naturang bakbakan sa pagkamatay ng dalawang sundalo at 10 rebelde.
Naganap ang engkwentro bago ang nakatakadang pagdedeklara ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) ng unilateral ceasefire.
Dagdag pa ni Bello na dahil sa mga naturang insidente na ito ay mas lalong nagbibigay ng dahilan para ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.
Aniya hindi pag-uusapan ang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng New People’s Army kahit na isa ang bilateral ceasefire agreement sa mga magiging prayoridad ng susunod round of talks na gaganapin sa Netherlands dahil aniya ay tinanggap na nila ito bilang bahagi ng “realities on the ground”.
Tiwala si Bello na hindi ipag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan dahil sa sa pangalawang pagkakataon dahil sa naganap na insidente sa Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.