MMDA, nagbigay paalala sa mga isasagawang road repairs mula March 31 hanggang April 3

By Rod Lagusad March 31, 2017 - 04:25 PM

road-constructionNagbigay paalala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na asahan ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila dahil sa mga isasagawang road repairs.

Isasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang mga kalsada mula 11 pm ngayong Biyernes, March 31 hanggang 5 am ng Lunes, April 3.

Ayon sa MMDA dapat humanap ng mga alternatibong mga ruta para di maapektuhan ng mga naturang road repairs.

Dapat iwasan ng mga motorista sa bandang northbound ang kabahaan ng Mindanao Avenue mula sa Tandang Sora Avenue hanggang Mindanao Avenue Bridge sa Quezon City.

Sa parterng southbound ay dapat namang iwasan ang kahabaan ng Commonwealth Avenue, from mula sa Don Fabian Street hanggang Pacamara Street at ang kahabaan ng Quirino Highway mula sa Sauyo Road hanggang Bernardino Street na parehong na sa Quezon City.

TAGS: Department of Public Works and Highways, DPWH, Metro Manila Development Authority, mmda, quezon city, road repair, Department of Public Works and Highways, DPWH, Metro Manila Development Authority, mmda, quezon city, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.