Davao del Sur Governor, sinampahan ng kaso ng Ombudsman dahil sa korapsyon

By Rod Lagusad March 31, 2017 - 10:09 AM

Ombudsman1Sinampahan ng kaso ng Ombudsman si Davao del Sur Gov. Douglas Cagas sa Sandiganbayan dahil sa umanoy nawawalang 16 million pesos sa pork barrel funds at sa pagbulsa ng 9.3 million pesos na kickback noong siya pa ay kinatawan ng unang distrito ng nasabing lalawigan noong 2007.

Si Cagas na nakakalaya ngayon dahil sa piyansa kaugnay naman ng murder case ng journalist na si Nestor Bedolido, ay nahaharap din ngayon sa two counts ng graft, two counts ng malversation at one count ng direct bribery.

Ang inirekomendang piyansa ng Ombudsman para kay Cagas ay 160,000 pesos kung saan tig-30,000 pesos bawat count ng graft, tig-40,000 pesos ang bawat count ng malversation at 20,000 pesos naman sa isang count ng direct bribery.

May labing-anim na iba pa ang kinasuhan kabilang ang umanoy pork barrel scam mastermind na si Janet Napoles at kanyang mga umanoy mga kasama ntong mga mamababatas at maging si dating Energy Regulatory Commission chair Zenaida Ducut.

Si Cagas ay nasa ikatlong termino na niya bilang gobernador ng Davao del Sur ay dalawang beses din inakusahan sa pag-allocate ng 8 million pesos mula sa legislative Priority Development Assistance Fund o pork barrel para sa mga ghost livelihood projects sa mga buwan ng January at February ng taong 2007.

TAGS: Davao del Sur, douglas cagas, ombudsman, pork barrel, Davao del Sur, douglas cagas, ombudsman, pork barrel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.