Korte sa South Korea, naglabas na ng arrest warrant laban kay Park Geun-hye
Inaprubahan ng korte sa South Korea ang arrest warrant laban sa napatalsik na pangulo ng naturang bansa na si Park Geun-hye.
Si Park ang kauna-unahang lider ng South Korea na maalis sa pwesto dahil sa mga akusasyon ng bribery at pag-abuso sa kapangyarihan.
Ayon sa isang judge sa Seoul Central District Court na ang dahilan at ang pangangailangan sa warrant ay kinikilala bilang mga pangunahing charges laban kay Park ay binerepika at ang mga ebidensya sa nasabing kaso ay maaring masira.
Dalawang oras matapos lumabas ang kautusan ay dinala na si Park sa Seoul Detention Center sakay ng isang black sedan kasama ang dalawang babaeng imbestigador.
Maaring manatili hanggang 20 araw si Park sa detention cell habang iniimbestigahan ang mga alegasyon kaugnay ng kanyang pakikipagsabwatan sa kanyang kaibigan na si Choi Soon-sil para i-pressure ang mga malalaking mga businesses para mag-ambag sa mga binuong foundations para maging back up sa kanyang mga policy initiatives.
Una dito, nagbigay si Park ng testimonya sa loob ng mga walong oras at pagkatapos ay dinala sa prosecutors’ office habang pinag-aralan ng judge ang mga ebidensya at mga argumento para desisyunan ang paglalabas ng arrest warrant.
Iginiit ni Park na hindi siya flight risk at hindi na aniya susubukang pakialaman ang mga ebidenysa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.