Arestado ang mag-amang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Rd. 15, Purok Dos, New Lower Bicutan, Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina Kabunto Lampay, 52-anyos at Basher Lampay, 25 anyos.
Ang mag-amang suspek ang itinuturong supplier ng droga sa kanilang lugar.
Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ang limangdaang pisong marked money.
Ayon kay Police Sr. Insp. Jonathan Arribe, hepe ng Maharlika Police Community Precint, nagpanggap na buyer ang isa nilang tauhan at nang magka-abutan na ng pera at ng shabu, saka na nila dinampot ang dalawang suspek.
Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.