March 28, gustong ideklarang Duterte Day ng isang mambabatas
Inihain sa Kongreso ang panukalang pagdedeklara ng March 28 bilang President Rodrigo Roa Duterte Day para gunitain ang simula ng tunay na mga pagbabago sa Pilipinas, pagkakaisa at pag-unlad ng buong bansa.
Sa inihaing House Bill No. 5377, ni San Jose del Monte City Rep. Florida Robes, kanyang ipinapanukala na ideklara ang araw ng kaarawan ni Duterte na maging isang special working holiday na aniyay “rising Southeast Asian strongman leader.”
Ayon pa kay Robes ang pamumuno ni Duterte ay ang muling pagkabuhay ng “pride” at bagong buhay sa mga Pilipino.
Dagdag pa niya na ang kaarawan ng pangulo ay araw ng pag-asa at inspirasyon sa sambayanan.
Kasama din sa naturang panukala ang pagtatalaga sa mga kabataan lalo na ang mga military cadets at mga boy at girl scouts na ipakita ang ang kanilang pagmamahal sa bayan, pride at kagalingan sa pakikipagtulungan sa gobyerno para maging isang Southeast Asian powerhouse ang Pilipinas na maipagmamalaki ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.