Multiple organ failure, ikinamatay ng biktimang si Shiryl Saturnino-Autopsy report

By Jay Dones March 31, 2017 - 04:28 AM

 

Shiryl-Saturnino-2Multiple organ failure secondary to complications of cosmetic surgery ang naging dahilan ng pagkamatay ng 29-anyos na negosyante matapos itong sumalang sa tatlong uri ng pagpaparetoke sa isang klinika kamakailan.

Ito ang resulta ng ginawang autopsy sa labi ng biktimang si Shiryl Saturnino na nasawi makaraang sumalang sa tatlong cosmetic procedure sa Icon clinic noong Linggo.

Sa case conference ng kaso ni Saturnino, sinabi ni Special Investigation Task Group Shiryl Commander Sr. Supt. Marcelino Pedroso, kung mapapantunayang may pagkukulang ang mga doktor ng klinika na nagsagawa ng surgery sa biktima ay posibleng maharap ang mga ito sa kaso.

Kanilang sinisilip ang posibilidad na masampahan ng kasong reckless imprudenc resulting to homicide ang mga doktor na nagsagawa ng tatlong uri ng surgery sa biktima.

Sa ngayon, pinamamadali na ng SITG Shiryl ang resulta ng histopathology report sa labi ng biktima na magmumula sa PNP Crime Laboratory upang matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga doctor ng Icon Clinic.
Maging ang Philippine Association of Plastic Reconstructive and Aesthetic Surgeons ay iniimbestigahan na rin ang naturang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.