4-anyos na bata, pinatay sa saksak ng anak ng pulis
Pinagsasaksak hanggang sa mamatay ang isang apat na taong gulang na batang lalaki na anak ng isang pulis sa Sitio Niño, Barangay Duljo Fatima, Cebu City.
Kinilala ang biktima na si Emmanuel Tek-eng Martinez habang ang suspek naman ay si Danilo Remulta, 49 years old.
Ayon sa pulisya, nakikipaglaro si Martinez sa kanyang pinsan sa labas ng kanilang bahay nang bigla itong saksakin sa likod ni Remulta na nasa impluwensya ng alak.
Sa sobrang lubha ng pagkakasaksak, tinamaan ang puso ng bata na naging resulta ng kanyang pagkamatay.
Ayon sa ama ng bata na si PO1 Emmanuel Martinez Sr., na naka-assign sa San Nicolas police station, maliligo na sana siya nang biglang tumakbo sa kanilang bahay ang pamangkin at isa pang anak hatid ang balita na sinaksak ang biktima.
Matapos ang insidente, agad namang sumuko sa pulisya ang suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.