Nakaalis na si Pangulong Aquino para sa kaniyang apat na araw na state visit sa Japan.
Sa kaniyang biyahe liligawan ni Pangulong Aquino sa kanyang pagbisita sa Japan ang ilan sa mga pinakamalaking business groups doon para maglagak ng negosyo nila sa Pilipinas.
Sa departure speech ng Pangulong Aquino sa NAIA Terminal 2, sinabi nito na makikipagpulong siya sa mga kinatawan ng Nippon Keidanren, Japan Chamber of Commerce and Industry, Keizai Doyukai, at Boekikai, ilan sa malalaking samahan ng mga kompanya at asosasyong pang-negosyo sa Japan.
Ayon sa Pangulo, layunin ng kanyang pakikipagpulong na personal na ipabatid ang panibagong sigla ng ekonomiya sa ilalim ng tuwid na daan.
Ipinagmalaki rin ni Pangulo ang kuwento ni Philippine Ambassador to Japan Manuel Lopez na pagdagsa ng mga nagtatanong sa embahada patungkol sa kung paano mamuhunan sa Pilipinas lalo na pagkatapos ng isinagawang mga road show at business forum duon.
Samantala, sinabi ng Pangulong Aquino na Sasamantalahin niya ang kanyang apat na araw na state visit para personal na pasalamatan ang Gobyerno ng Japan sa patuloy na suporta at pagtulong sa Pilipinas lalo na sa panahon ng kalamidad.
Sinabi ng Pangulo na hindi matatawaran ang tulong at malasakit na ibinibigay ng bansang Japan sa nakalipas na limampu’t-siyam na taon.
Isa aniya ang bansang Japan sa pinakaunang nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda upang makabangon sa trahedya.
Dagdag pa ng Pangulo na Kapan din ang tumulong para magbukas ang landas tungo sa mas mapayapa at mas maunlad na Mindanao.
Matatandaang sa japan unang nagkita at nagkausap sina Pangulong Aquino at mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naging daan para maisulong ang peace talks at kasunduang pagtatatag ng Bangsamoro Basic Law sa Mindanao./ Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.