Pag-okupa ng KADAMAY sa ilang housing units suportado ng PCUP
Tagumpay umanong maituturing ang pagpayag ng National Housing Authority o NHA na huwag munang ipatupad ang puwersahang pagpapaalis sa mga miyembro ng KADAMAY na umukupa sa mga resettlement areas sa Pandi,Bulacan.
Kasabay nito ay nagpasalamat si Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP Chairman Atty.Terry Ridon sa NHA sa pasya na huwag basta paalisin ang mga miyembro ng KADAMAY sa mga inukupahan nilang housing units.
Malinaw naman kasi aniya na sumasalamim ang sitwasyon ng KADAMAY sa tunay na kalagayan ng programang pabahay para sa mga maralita sa bansa.
Ang hakbang aniya ng NHA ay tugon din sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan muna ang hinaing ng mga maralita.
Sa kasalukuyan ayon kay Ridon,tumutulong ang PCUP sa pagproseso ng mga pangalan ng mga miyembro ng Kadamay at mga dokumento na kakailanganin para mabenipisyuhan ng pabahay.
Sinabi ni Ridon na sa kasalukuyan ay aabot sa 5 milyun ang backlog sa socialized housing sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.