Halos 70,000 pulis ipapakalat ngayong bakasyon

By Ruel Perez March 30, 2017 - 12:55 PM

File Photo
File Photo

Tinatayang aabot sa 65,000 hanggang 70,000 na mga uniformed police ang ipapakalat ng PNP sa ibat ibang panig ng bansa bilang bahagi ng Oplan Ligtas Sumvac 2017.

Ayon kay Sr/Supt. Eugene Paguirigan, hepe ng Public Safety Office Division ng PNP Directorate for Operations, magsismula sa April 3 ang Oplan Ligtas Sumvac 2017 at magtatapos hanggang sa pagbubukas ng eskwelahan sa July 13.

Sinabi ni Paguirigan, hindi pa kabilang dito ang tinatayang 92,000 na mga force multipliers na tutulong sa mga pulis sa pagbabantay.

Pangunahing target ng Oplan Ligtas Sumvac 2017 ang mga lugar na dadagsain ng mga tao tulad ng mga bus terminal, airport, pantalan kabilang din ang mga simbahan, malls at palengke.

TAGS: Airport, Holy Week, malls, palengke, PNP, police, sea port, simbahan, summer vacation, terminal, uwian, Airport, Holy Week, malls, palengke, PNP, police, sea port, simbahan, summer vacation, terminal, uwian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.