ICC walang karapatan na makialam sa domestic issue ng bansa

By Len Montaño March 30, 2017 - 11:36 AM

ICC international criminal court
Inquirer Photo

Nanindigan ang Malakanyang na walang karapatan na makialam ang International Criminal Court sa usaping panloob ng isang sovereign country gaya ng Pilipinas.

Pahayag ito ng palasyo kaugnay ng umano’y pagmonitor ng ICC sa mga pagpatay sa bansa na may kinalaman sa war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang kongkretong patunay sa alegasyon na crimes against humanity o walang habas ang drug-related killings.

Binanggit ni Abella na inabswelto na ng senado si Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y extra judicial killings.

Ilang beses nang iginiit ng pangulo na tuloy ang kampanya kontra droga at pursigido siyang alagaan ang bansa kahit pa anya sa iligal na paraan.

TAGS: ejk, extra judicial killings, ICC, International Criminal Court, Presidential Spokesman Ernesto Abella, Rodrigo Duterte, ejk, extra judicial killings, ICC, International Criminal Court, Presidential Spokesman Ernesto Abella, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.