Paglilipat ng southwest bus terminal sa Pasay City, ipagpapaliban
Pansamantalang hindi itutuloy ng Metropolitan Manila Development Authority ang paglilipat ng temporary terminal para sa mga southwest provincial buses.
Ito ay para hindi malito ang maraming taong inaasahang dadagsa sa mga terminal ng bus ngayong sa nalalapit na Holy Week.
Ayon pa kay MMDA officer in charge Thomas “Tim” Orbos, bagaman ayos na ang bagong terminal na nasa Macapagal Boulevard sa Pasay City, hindi pa naaayos ng LTFRB ang route modification plan para sa mga maaapektuhang bus.
Maari naman aniyang ituloy ang paglilipat ng terminal isang linggo pagkatapos ng Easter Sunday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.