Kamara tiniyak na hindi madidiskaril ang trabaho dahil sa Duterte impeachment

By Isa Avedaño-Umali March 29, 2017 - 05:10 PM

congress1Hindi madidiskaril ang priority measures ng Duterte administration kahit pa magiging abala ang Kamara sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at ang maihahaing reklamo laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kapwa idadaan sa proseso ang mga reklamong laban sa dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.

Hindi aniya maaaring balewalain ito ng Kamara dahil ang kapulungan ang may mandato na unang duminig ng impeachment complaint base sa Saligang Batas.

Pero giit ni Alvarez, walang dahilan para hindi maaksyunan ang mga prayoridad na panukala ng administrasyong Duterte.

Mayroon aniyang hiwalay na mga komite na tatalakay sa mga panukala bago ito mai-akyat sa plenaryo para sa kaukulang approval.

Kabilang sa mga nakabitin pang priority measures sa Kamara ang panukala na ibaba sa siyam na taong gulang ang Minimum Age of Criminal Responsibility, Comprehensive Tax Reform Package at Charter Change.

Ngayon ay inaasahang ihahabol pa sa priorities ang postponement ng halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

TAGS: Alvarez, duterte, impeachment, Alvarez, duterte, impeachment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.