Mga banat sa pangulo walang dating sa publiko ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 29, 2017 - 03:50 PM

duterte01
Inquirer file photo

Sampal sa mga kritiko ang patuloy na pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa online poll ng Time magazine bilang “most influential person” sa buong mundo.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, patunay lamang ito na walang epekto ang demolition job sa pangulo.

Umaani ang Pangulong Duterte ng kaliwa’t kanang batikos dahil nauwi na umano sa extra judicial killings ang kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Giit ni Panelo, patuloy na namamayagpag ang personalidad ng pangulo kahit sa international community. Base sa pinakahuliong survey ng Time magazine, nangunguna pa rin si Duterte pangawala si Russian president Vladimir Putin pangatlo si Canadian Prime Minister Justin Tradeu at pang- apat si Pope Francis sa talaan ng mga most influential people sa kasalukuyan.

TAGS: duterte, most influential, panelo, TIME magazine, duterte, most influential, panelo, TIME magazine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.