Pagdagsa ng mga bakasyunista pinaghahandaan na ng NAIA
Sinimulan na ng Manila International Airport Authority ang paghahanda kaugnay sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong mahal na araw.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, tagubilin anya niya sa sa apat na airport managers ng NAIA terminals na tiyakin na nasa magandang kondisyon ang kanilang cooling systems.
Sinabi ni Monreal na inaasahan niyang maikabit ang bagong cooling cord na magpapalamig pa lalo sa terminal 3.
Sa terminal 2 naman ay dalawang buwan ng operational ang bagong biling compressors at napalitan na rin ang chillers na magpapalamig sa naturang terminal.
Kasabay nito, tiniyak ni Monreal na bagama’t hindi pa nakukumpleto ang binili nilang mga security cameras sapat pa naman ang bilang ng cctv cameras sa apat na terminal para sa seguridad ng mga pasahero.
Paalala naman ng opisyal sa mga pasahero na bagamat mainit na ang panahon hindi na dapat sabayan pa ito ng init ng ulo para sa maayos na rin nilang pagbiyahe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.