Karapatang magtayo ng military facilities sa Spratlys Islands, iginiit ng China
Iginiit ng China na may karapatan silang magtayo ng military facility sa teritoryo nito.
Ipinahayag ito ng China makaraang iulat ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ng Center for Strategic and International Studies ng United States, na malapit nang matapos ang mga pasilidad nito sa Spratlys Islands.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying na wala pa siyang detalye ng naturang ulat ng AMTI, ngunit iginiit na teritoryo ng China ang pinag-aagwang teritoryo.
Batay sa pinakahuling satellite photos ng AMTI ngayong buwan, nasa huling yugto na ng konstruksyon ang military facilities ng China sa Fiery Cross Reef, Subi Reef at Mischief Reef sa Spratlys Islands.
Magugunitang noong nakaraang linggo, pinabulaanan na ni Chinese Premier Li Keqiang na hindi nila isinasailalim sa militarisasyon ang South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.