Postponement ng Barangay elections, prayoridad ng pangulo
Sesertipikahan bilang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang naglalayong ipagpaliban na ng tuluyan ang Barangay elections at gawin na lamang ito sa taong 2020.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella prayoridad ng pangulo ang naturang plano.
Una rito, naghain na ng panukala si Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers na naglalayong i-postpone muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sana sa Oktubre.
Paliwanag ni Barbers, nais lamang niyang suportahan ang panawagan ng pangulo na pigilan ang makapwesto ang mga opisyal ng barangay na suportado ng mga drug lords.
Una na ring nanawagan si House Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Duterte na sertipikahan bilang ‘urgent bill’ ang panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.