Mga eroplano ng Philippine Navy magbabantay sa Benham Rise
Isasabak rin sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea at Benham Rise ang dalawang nirentahang segunda manong Beechcraft TC-90 training aircraft ng Philippine Navy.
Ito ang kinumpirma ni AFP Chief of staff Gen. Eduardo Año kasunod nang pormal na pagtanggap ng Philippine Navy ngayong araw ng mga bagong dating na Beechcraft TC-90 training aircraft mula kay Japanese Defense Minister Kenji Wakamiya.
Ayon kay Año, maliban sa WPS at Benham Rise, gagamitin din daw nila sa iba pang panig ng bansa ang dalawang aircraft depende aniya kung saan ito kailangang kailangan
Sa ngayon, nagpapatrulya rin ang BRP Ramon Alcaraz sa Benham Rise
Ginawa ng AFP ang pagpapatrolya sa Benham Rise matapos na mamataan ang survey ship ng China sa lugar na hinihinalang naghahanap ng pagtataguan ng kanilang submarine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.